Pag-asa o paasa?
Alam mo bang matagal kanang umaasa? At paano ko nasabi dahil habang umaasa ka patuloy naman akong nasasaktan at nahihirapan, Dahil habang umaasa ka sakanya, di ko kinakaya na makita kang binabalewala nya, Hindi ko miwasan na masaktan, pag nakikita kang ganyan, habang minamasdan ka sa malayuan, patuloy ka parin sa pag-asa na magiging kayo narin, Habang patuloy akong umaasa, na baka magsawa kana at mapatingin sa akin, kahit na ako'y balewalain ikaw parin ang pipiliin, Dahil may pag-asa parin na ika'y mapasakin, ano mang hirap ay kakayanin, maging ikaw lang at ako lahat gagawin ko, Alam kong gasgas na iyon, pero heto ang garantiya ko sayo, pangakong hindi ka sasaktan at mamahalin hanggang kamatayan, Umulan man ng kasinungalingan, mananatili parin ang katotohanan, na ikaw lang ang mamahalin at aking iibigin, Hanggang sa dumating ang pag-asang, May pagkakataon na para sating dalwa, hindi mo pa alam sa ngayon, dahil aaminin ko rin naman...