Dalangin sa Pagsubok
Mundo na puno ng misteryo, Na di maiiwasan ang kalbaryo, Ano ba talaga ang nasa kabila nito? Mga pagsubok na tila walang hanggan, Mga luha na walang humpay na pumapatak, Kalungkutan na tila walang katapusan, Paano ba ito lalagpasan? Sampalataya ang tanging daan, Upang ang lungkot ay maibsan, Walang sino ang nakakaalam, Kung kailan mapuputol ang kalungkutan, Mga pagsubok na tila walang hanggan, Ngunit ito ay gagaan, Panalangin ang kasagutan, O Diyos naming mapagmahal, Dinggin nawa ang aming dalangin, Proteksyon at gabay ang laging hiling, Upang isipan ay mapanatag, At higit na maging matatag, Pasasalamat at tanging alay, Paghingi ng kapatawaran sa mga kasalanan, Ikinagagalak ko na di ninyo kami pinabayaan, Salamat, O Diyos ko kayo laging nariyan, Lagi kitang karamay, Sa mga pagsubok sa buhay, Ikaw ang nagsisilbing gabay, Upang guminhawa ang aking buhay...