Dalangin sa Pagsubok
Mundo na puno ng misteryo,
Na di maiiwasan ang kalbaryo,
Ano ba talaga ang nasa kabila nito?
Mga pagsubok na tila walang hanggan,
Mga luha na walang humpay na pumapatak,
Kalungkutan na tila walang katapusan,
Paano ba ito lalagpasan?
Sampalataya ang tanging daan,
Upang ang lungkot ay maibsan,
Walang sino ang nakakaalam,
Kung kailan mapuputol ang kalungkutan,
Mga pagsubok na tila walang hanggan,
Ngunit ito ay gagaan,
Panalangin ang kasagutan,
O Diyos naming mapagmahal,
Dinggin nawa ang aming dalangin,
Proteksyon at gabay ang laging hiling,
Upang isipan ay mapanatag,
At higit na maging matatag,
Pasasalamat at tanging alay,
Paghingi ng kapatawaran sa mga kasalanan,
Ikinagagalak ko na di ninyo kami pinabayaan,
Salamat, O Diyos ko kayo laging nariyan,
Lagi kitang karamay,
Sa mga pagsubok sa buhay,
Ikaw ang nagsisilbing gabay,
Upang guminhawa ang aking buhay,
Salamat sa buhay na inyong ibinigay,
Pagmamahal at katatagan ang aking alay,
Mga salita ninyo ay aking inaaral,
Kabutihan ninyo ay syang tunay,
O Diyos na maawain,
Ako po ay inyong patawarin,
Kung akoy ay may kakulangan,
Sa pananalig at katapatan,
Nawa ay gabayan ang aming pamumuhay,
Salamat Aking Ama,
Ibinigay ninyo ang nag iisang Anak,
Upang tubusin kami sa aming kasalanan,
Ito ay hindi namin malilimutan,
Marapat na ikaw ay aming pasalamatan,
Pag-ibig na inyong ibinigay,
Ay aming pagkaka ingatan.
Ama namin sa kalangitan,
O Jesucristo na aming tagapagligtas,
Gabayan ninyo kami, sa aming pinagdadaanan,
Mabigat man o magaan,
Mananatili kayo sa aming puso at isipan,
Kayo ang Diyos ng pag-ibig,
Ang kasalanan ay inyong nilinis,
Biyayang lubos ang kapalit,
Ang tunay na ang pagpapala,
Ay nagmumula sa kabutihang puso.
Ano man ang kasalanan,
Nasa inyo ang kapatawaran,
Sa halip na kaparusahan,
Ganti pa ang kaluwalhatian.
O Tagapagligtas na Jesus,
Hari ng awa,
Kami ay nanalig sa iyo.
Lubos ko po napagtanto,
Kung ano man ang mga pagsubok na ito,
Paniniwala ay pagtibayin ng lubos,
Upang matapos ang kahit anong unos.
Salamat Diyos ko,
Ang lahat ay Dalangin,
Sa pamamagitan ng inyong Anak,
Panginoong Jesucristo. Amen 🙏
Comments
Post a Comment