Posts

Showing posts from February, 2019

Translate

UNSPOKEN 002: BAKIT NGAYON PA?

Image
Ano ba yung ngayon pa sa buhay mo? Ano ba talaga yung bakit at ngayon pa? Isa sa pinakamahirap sagutin ang bakit. Pero sa ngayon isa lang ang naiisip kong sagot. Bakit ba walang ibang laman yung isip ko kundi ikaw? Bakit ba hindi ako makatulog hanggang hindi kita kausap? Bakit ba laging inaabangan ang pag tunog ng cellphone at paglabas ng pangalan mo? Ano ba talaga ang dahilan kung bakit? Isinilang ako na nag iisa, Lumaki at natutong bumasa ng abkd, Hanggang sa naisulat ng mag isa ang pangalan, Dumating yung oras na may nagustohan ka, Pero mabilisan lang pala, Puppy love ang sabi nila, Pero bakit ngayong alam mo na kung paano talaga, At kung gaano sya kahalaga sayo, Masasabi mo paba na puppy love pa ito? Bakit ulit ang tanong na paulit ulit, Dahil nasaktan ka kaya kaba ganyan? Kaya kaba galit dahil pakiramdam mo iniwan ka? Ano ba ang sagot sa matagal ng gumugulo sa isipan? Bakit noon ang dali ng lahat nung wala kapa, Bakit ngayon na may nabubuong pagm...

Unspoken 001

Image
MAGMAHAL, isang salita na mahirap bigyan ng eksaktong kahulugan, ngunit sa paulit ulit na pangyayari iyo parin sinusubukan. Ang unlaping MAG sa MAGmahal ay may dalawang uri ng salitang hindi mo makakalitmutan. Unang salitang nilalaman ng MAG sa MagMAHAL ay, Ang MAGHINTAY ng walang humpay at sumubaybay sa bawat kilos at galaw ng hanggang abot tanaw nalang ang kaya mong gawin habang minamasdan ang kanyang paglayo. Paglapit kahit saglit ang iyong hiling upang ipaliwanag ang bawat nararamdaman ngaunit hindi mo magawa hanggang sa mananatili kang MAGHINTAY sa wala. Pangalawa sa salitang MAG sa MagMAHAL ay, Ang MAGTIIS, ng kahit na gaano pa katagal ay hindi madali, haba ng pasensya ang dapat pinaiiral at huwag ang pansariling kagustuhan, pang unawa at konsiderasyon ang solusyon sa mahabang pagtitiis. Pero paano mo nga ba matitiis ang mga bagay-bagay na pinipilit nating isiksik sa mga utak natin kung gayun mang hindi naman talaga maaaring maging bagay. Kung sabagay walang hi...