UNSPOKEN 002: BAKIT NGAYON PA?
Ano ba yung ngayon pa sa buhay mo?
Ano ba talaga yung bakit at ngayon pa?
Isa sa pinakamahirap sagutin ang bakit.
Pero sa ngayon isa lang ang naiisip kong sagot.
Bakit ba walang ibang laman yung isip ko kundi ikaw?
Bakit ba hindi ako makatulog hanggang hindi kita kausap?
Bakit ba laging inaabangan ang pag tunog ng cellphone at paglabas ng pangalan mo?
Ano ba talaga ang dahilan kung bakit?
Isinilang ako na nag iisa,
Lumaki at natutong bumasa ng abkd,
Hanggang sa naisulat ng mag isa ang pangalan,
Dumating yung oras na may nagustohan ka,
Pero mabilisan lang pala,
Puppy love ang sabi nila,
Pero bakit ngayong alam mo na kung paano talaga,
At kung gaano sya kahalaga sayo,
Masasabi mo paba na puppy love pa ito?
Bakit ulit ang tanong na paulit ulit,
Dahil nasaktan ka kaya kaba ganyan?
Kaya kaba galit dahil pakiramdam mo iniwan ka?
Ano ba ang sagot sa matagal ng gumugulo sa isipan?
Bakit noon ang dali ng lahat nung wala kapa,
Bakit ngayon na may nabubuong pagmamahal saka pa may sakit na naramdaman,
Bakit noon, bakit ngayon pa?
Wala naman talagang dapat sisihin kung tutuusin,
Pero bakit ganun nakakaya ko parin tiisin,
Mga sakit na nakikita ng dalawa kong mata sa tuwing tinititigan kita,
Habang nagpapaalam ka papalayo,
Bakit noon ang saya saya pero bakit ngayon?
Bakit ngayon heto at nag iisa nanghihinayang na wala kana,
Nagsisi na pinakawalan ka,
Ang noon na hindi na maibabalik pa,
Mapapalitan ng pagbangon at panibangong hamon,
Kakayanin ko ba? Kakayanin ko ba?
Tanong ulit bakit noon?
Kaya ko, kaya ko,
Sa pagbangon na ito sisiguraduhin kong,
Balanse ang lahat dahil ayokong maulit ang sakit na ayaw ng lahat,
At kung sakaling dumating na yung totoong pagmamahal,
Hindi ko na ipagpapalit sa pait yung iipunin nating tamis na kahit kailan,
Hindi natin kakalimutan ang mga masasayang daraan sa atin.
Salamat kung dadating ka,
Inaalay ko ang pagsulat na ito,
Sa panibagong yugto na pagsasamahan nating dalawa na walang pagdududa at purong katotohanan lamang ang iaalay sa bawat segundo, menuto at oras,
Salamat sa pagdating, salamat sa sagot.
Ng bakit at ngayon pa.
-Josh
Comments
Post a Comment