Unspoken 001
MAGMAHAL, isang salita na mahirap bigyan ng eksaktong kahulugan, ngunit sa paulit ulit na pangyayari iyo parin sinusubukan.
Ang unlaping MAG sa MAGmahal ay may dalawang uri ng salitang hindi mo makakalitmutan.
Unang salitang nilalaman ng MAG sa MagMAHAL ay,
Ang MAGHINTAY ng walang humpay at sumubaybay sa bawat kilos at galaw ng hanggang abot tanaw nalang ang kaya mong gawin habang minamasdan ang kanyang paglayo.
Paglapit kahit saglit ang iyong hiling upang ipaliwanag ang bawat nararamdaman ngaunit hindi mo magawa hanggang sa mananatili kang MAGHINTAY sa wala.
Pangalawa sa salitang MAG sa MagMAHAL ay,
Ang MAGTIIS, ng kahit na gaano pa katagal ay hindi madali, haba ng pasensya ang dapat pinaiiral at huwag ang pansariling kagustuhan, pang unawa at konsiderasyon ang solusyon sa mahabang pagtitiis.
Pero paano mo nga ba matitiis ang mga bagay-bagay na pinipilit nating isiksik sa mga utak natin kung gayun mang hindi naman talaga maaaring maging bagay.
Kung sabagay walang hindi matitiis kung parehong nagbibigayan at hindi nagbabangayan, paunahin ang isa at huwag makipag sabayan, dahil hindi iyan ang paraan at kasagutan sa sangkatutak na problema sainyong dalawa.
Dalawang salitang nabubuo sa salitang MagMAHAL na kapag sobra o kulang ang ating ginagawa para sa minamahal.
Na kapag pinagsama ang salitang MAGHINTAY at MAGTIIS, dun mo matututunan ang salitang MagMAHAL.
Wala naman talagang basehan ang mga katagang iyan ngunit kung iisipin mo ng mabuti itatanong mo lang sa iyong sarili na "Tama ba ang ginagawa ko upang MagMAHAL at MAHALIN?"
Karapat dapat ba na ikaw ay HINTAYIN AT TIISIN, kung hindi mo alam ang tunay na HALAGA ng salitang MagMAHAL.
Mahirap sagutin pero kung uulit ulitin,
Maiisip mo rin na kung ang PAGHIHINTAY AT PAGTITIIS ay sobra o kulang, wala parin talagang eksaktong kasagutan kung bakit tayo nasusugatan at nasasaktan sa tuwing susubukan mong MAGMAHAL. 💔
Comments
Post a Comment