Ang pagtatapos..
Ang isang tagumpay,
Ay iyong inaalay,
Sa iyong mga mahal sa buhay,
Sila Nanay at Tatay,
Sila yung iyong karamay,
Nung nagsimula kang gumapang,tumayo at lumakad,
Sila na ang nagsilbi mong gabay,
Gabay na kahit ng matuto kang sumulat,
Sila parin ang iyong karamay,
Pangalan at apelyido,
Ang lagi mong dala ng una kang umakyat sa entablado,
Napakabilis ng panahon,
Kailan lang humahanap kayo ng solusyon at problemado,
Para matapos ang elementarya, High school, Senior High School, at kolehiyo,
At makatuntong sa entablado,
Ngayon wawakasan ko na ang ating kahirapan,
Sa pamamagitan ng aking pinag aralan,
Nangangakong iaahon sa kahirapan,
Heto ko pagmasdan ninyo,
Isang mabuting tao at titulado,
Dahil sa pagtityaga ninyo,
Naabot ko ang lahat ng ito,
Ang maabot ang aking pangarap,
Dahil sa inyong mga pagsisikap,
Ngayon susuklian ko ng mahigpit na yakap,
Pasasalamat sa inyo Tatay at Nanay,
Dahil nakapagtapos ang inyong panganay,
Mahal ko kayo Tay Nay,
Kaya ang lahat ng makakaya ko,
Ay aking iaalay sainyo,
Upang suklian ang kabutihan ninyo,
Pinalaki ninyo ako ng may takot sa Diyos,
Dalangin sa kanya na lahat ay mairaos,
Papuri sayo Ama dahil ako'y nakapagtapos na.
Inaalay ko ang tulang ito para sa mga nagsipagtapos ng pag - aaral at sa mga magtatapos palang.
Salute sa mga estudyanteng iniisip ang kanilang pamilya.
-Josh
Comments
Post a Comment