Tiis, mapagtiis, matiisin
Ano ba ang halaga ng matiisin o pagkamatiisin?
Kung may taong matiisin,
Sana wag naman nating abusuhin,
Sana walang abusado,
Ng walang tao ang maloko,
Sana wag naman nating abusuhin,
Sana walang abusado,
Ng walang tao ang maloko,
Hindi lang isa kundi dalawa,
At napakarami pa ang abusado,
Nakakalungkot lang at may naloloko,
Kayat natuto nalang magtiis ang naloko,
At napakarami pa ang abusado,
Nakakalungkot lang at may naloloko,
Kayat natuto nalang magtiis ang naloko,
Kung ikaw ang mapag-tiis,
Ano ang iyong nais?
Kahit na mahirap at masakit,
Ano ang iyong nais?
Kahit na mahirap at masakit,
Iba nga talaga ang kaso ng matiisin,
Sila yung mahirap hanapin,
Pero sila yung madaling kausapin,
At higit sa lahat sila yung masarap mahalin.
Sila yung mahirap hanapin,
Pero sila yung madaling kausapin,
At higit sa lahat sila yung masarap mahalin.
Yung kaya kang intindihin,
Yung hindi mo poproblemahin,
Yung tipong hindi ka babalewalain,
At yung tipong ipagmamalaki ka parin.
Yung hindi mo poproblemahin,
Yung tipong hindi ka babalewalain,
At yung tipong ipagmamalaki ka parin.
Kahit na sila ay nasasaktan,
Kaya ka parin ipag-laban,
At kapag nahanap mo na siya,
Ingatan at mahalin mo siya.
Kaya ka parin ipag-laban,
At kapag nahanap mo na siya,
Ingatan at mahalin mo siya.
Siya kasi yung tipong matiisin,
Na mahirap hanapin,
Pero madaling mahalin.
Na mahirap hanapin,
Pero madaling mahalin.
Comments
Post a Comment