Posts

Showing posts from March, 2019

Translate

Pagsubok o pagsuko?

Image
Nagsimula sa mga matatamis na salita, Lambingan ngunit hanggang kaibigan, Mga problema, sikreto at pangako, Na kayo lang ang may alam. Magkasama sa lahat ng bagay, Magkasundo at hindi nag aaway, Minsan may tampuhan, Saglit lang ay magtatawanan, Hindi kayang tiisin, Ano mang problema ay kakayanin, Magkasama sa hirap at ginhawa, Kaibigan ko nasaan kana, Hinanap kita, Ngunit nakita kong palayo kana, Nawala nalang ba talaga? Mga ala-ala nating dalawa. Yung mga panahong magkasama, Kaya pala umiiwas ka, Dahil aalis karin pala, Sa kabila ng pinagsamahan, Nawala ng parang bula, Mga masasayang ala-ala, Na minsan nagkaroon ng kabuluhan, Di inaasahan, tibok ng puso koy ikaw, Oo ikaw at laging ikaw, Hiling na kahit saglit, Lumingon ng ika'y muling matanaw, Kahit ngiti ay di na makita, Dahil ibinibigay mo na sakanya, Pansinin mo manlang sana, Yung ako na minsan ng minahal ka, Pansinin yung kaibigan, Na dinarasal na iyong balikan, Sariwain ang pinagsama...

Pagtanggap at pagbibigay

Image
May mga magandang bagay sa buhay, Na dapat inaalagaan at iniingatan, Mahirap makalimot lalo na at pumasok na sa isip na malikot, May mga bagay na masakit at makirot, Pero meron ding magandang naidulot, Isang araw na minsan ng dumilim, Yung tipong parang ikay nasa ilalim, Yung parang lihim na ikaw lang ang may alam, Ngunit may isang umaga parin na sasapit, Sa kabila ng sinapit na pait, Ibangon ang sarili, at tanggapin ang damdamin, Hindi ka nagkulang bagkus ikay nagbigay, Hindi mga bagay kundi ala-ala ng iyong buhay, Tanggapin ang nakaraan, At mabuhay sa kasalukuyan, Ng walang panghihinayang o anoman, Mapalad ka dahil sa pagbibigay, Pagbibigay halaga sa ibang nabubuhay, Mga salitang hindi inimbento, Kundi galing sa libreto, Na kung tawagin ay Bibliya, Tanggapin ang Ama bago buksan ang pahina, Mahalin at magmahal ay sakanya, Ibigay ang papuri sa Ama, Patunay na ikaw ay nabubuhay, Sa pag-ibig at buhay na kaniyang inalay, Linisin ang kasalanan sa pam...

Hanggang saan?

Image
Madami kang iniisip about sa salitang iyan tama? Ang dahilan kung bakit, Alamin kung bakit laging nakasingit, Ang salitang hanggang saan, Na pilit hinahanapan ng saktong kasagutan, Sila ba ay alam ang mga salitang iyan? Marahil kahit sila ay hindi alam, Kung ano talaga ang kahulugan niyan, Kung iisipin ikaw lang naman talaga, Ang tamang makakasagot nyan. Hindi sya o ninoman, Sa dami ng pinagdaanan,  Iyan ang linyahan pag medyo naguguluhan, Pero bakit nga ba nasasambit mo yan? Ginawa mo ba talaga ang tama? O ginawa mo yung tama pero ikaw lang ang may alam, Ang salitang tinatanong mo na, Hanggang saan ay hindi dapat tinatanong sa iba kung ikaw mismo ang dahilan kung bakit nabuo ang katanungan, Ipaubaya sa panahon at agos ng hangin, Ang tangi mong naiisip sa tuwing, Magigising at tatanungin ang sarili, Na handa kana bang sagutin, Yung tanong na hindi mo mabigyan kahulugan, Laging tatandaan na hindi kailanman, Masasagot a...