Translate

Pagsubok o pagsuko?


Nagsimula sa mga matatamis na salita,
Lambingan ngunit hanggang kaibigan,
Mga problema, sikreto at pangako,
Na kayo lang ang may alam.

Magkasama sa lahat ng bagay,
Magkasundo at hindi nag aaway,
Minsan may tampuhan,
Saglit lang ay magtatawanan,

Hindi kayang tiisin,
Ano mang problema ay kakayanin,
Magkasama sa hirap at ginhawa,
Kaibigan ko nasaan kana,

Hinanap kita,
Ngunit nakita kong palayo kana,
Nawala nalang ba talaga?
Mga ala-ala nating dalawa.
Yung mga panahong magkasama,

Kaya pala umiiwas ka,
Dahil aalis karin pala,
Sa kabila ng pinagsamahan,
Nawala ng parang bula,
Mga masasayang ala-ala,
Na minsan nagkaroon ng kabuluhan,

Di inaasahan, tibok ng puso koy ikaw,
Oo ikaw at laging ikaw,
Hiling na kahit saglit,
Lumingon ng ika'y muling matanaw,

Kahit ngiti ay di na makita,
Dahil ibinibigay mo na sakanya,
Pansinin mo manlang sana,
Yung ako na minsan ng minahal ka,

Pansinin yung kaibigan,
Na dinarasal na iyong balikan,
Sariwain ang pinagsamahan,
Kalimutan ang masakit na nakaraan,

Umpisahan ang sitwasyon,
Na sa akin ang iyong atensyon,
Na kung tawagin ay Relasyon.

Iniisip na pagsubok lang iyon,
Na sa hukay ay aking ibabaon,
Ang mga pangarap ng kahapon,
Habang hinihintay kang lumingon,
Nililimot ko na ang mga pangakong inipon.

Paalam ang huling salita,
Kung tayoy muling magkikita.

-Josh

Comments

Popular posts from this blog

Tiis, mapagtiis, matiisin

Ang pagtatapos..

Kasunduan o pangako?