Hanggang saan?
Madami kang iniisip about sa salitang iyan tama?
Ang dahilan kung bakit,
Alamin kung bakit laging nakasingit,
Ang salitang hanggang saan,
Na pilit hinahanapan ng saktong kasagutan,
Sila ba ay alam ang mga salitang iyan?
Marahil kahit sila ay hindi alam,
Kung ano talaga ang kahulugan niyan,
Kung iisipin ikaw lang naman talaga,
Ang tamang makakasagot nyan.
Hindi sya o ninoman,
Sa dami ng pinagdaanan,
Iyan ang linyahan pag medyo naguguluhan,
Pero bakit nga ba nasasambit mo yan?
Ginawa mo ba talaga ang tama?
O ginawa mo yung tama pero ikaw lang ang may alam,
Ang salitang tinatanong mo na,
Hanggang saan ay hindi dapat tinatanong sa iba kung ikaw mismo ang dahilan kung bakit nabuo ang katanungan,
Ipaubaya sa panahon at agos ng hangin,
Ang tangi mong naiisip sa tuwing,
Magigising at tatanungin ang sarili,
Na handa kana bang sagutin,
Yung tanong na hindi mo mabigyan kahulugan,
Laging tatandaan na hindi kailanman,
Masasagot ang katanungan ng walang pinagmulan,
Na walang pinanggalingan,
Maging matatag ang tanging paraan,
Sa paghahanap ng kasagutan.
Kung hanggang kailan ka maghihintay at maghahanap ng kasagutan.
Huwag mo din asahan na may magbibigay ng eksaktong kasagutan ang mga tanong lalo na ang "Kung hanggang saan?".
Maghintay at magtiyaga hanggang sa mahanap ang sagot sa mga katanungan.
-Josh
Comments
Post a Comment