Pagtanggap at pagbibigay
May mga magandang bagay sa buhay,
Na dapat inaalagaan at iniingatan,
Mahirap makalimot lalo na at pumasok na sa isip na malikot,
May mga bagay na masakit at makirot,
Pero meron ding magandang naidulot,
Isang araw na minsan ng dumilim,
Yung tipong parang ikay nasa ilalim,
Yung parang lihim na ikaw lang ang may alam,
Ngunit may isang umaga parin na sasapit,
Sa kabila ng sinapit na pait,
Ibangon ang sarili, at tanggapin ang damdamin,
Hindi ka nagkulang bagkus ikay nagbigay,
Hindi mga bagay kundi ala-ala ng iyong buhay,
Tanggapin ang nakaraan,
At mabuhay sa kasalukuyan,
Ng walang panghihinayang o anoman,
Mapalad ka dahil sa pagbibigay,
Pagbibigay halaga sa ibang nabubuhay,
Mga salitang hindi inimbento,
Kundi galing sa libreto,
Na kung tawagin ay Bibliya,
Tanggapin ang Ama bago buksan ang pahina,
Mahalin at magmahal ay sakanya,
Ibigay ang papuri sa Ama,
Patunay na ikaw ay nabubuhay,
Sa pag-ibig at buhay na kaniyang inalay,
Linisin ang kasalanan sa pamamagitan,
Ng pakikipag usap gamit ang bibliya,
At kaniyang matalinghagang salita,
Ito'y sinulat upang maimulat,
Ang mga matang nakapikit,
Sa katotohanan na may lumikha,
Tumubos ng kasalanan ng sang katauhan,
Pinagpala ka dahil isinilang ka,
Pinagpala ka dahil may magulang ka,
Pinagpala ka dahil naniniwala sakanya,
Papuri sayo Ama at akoy nabubuhay pa,
Ang lahat ay simulan ng walang alinlangan,
Mga salita ay mahalaga ngunit,
Ang sampung utos ang nangingibabaw,
Sa aming puso at isipan,
Upang malayo sa tiyak na kapahamakan,
Kami Ama ay nananalig sayo,
Ng taos puso at walang katapusan.
Kami'y humahanga sa inyong matalinghagang salita,
Dakilang guro ng mga taga lupa.
Tagapagligtas ka ng sangkatauhan,
Marapat na ikaw ay pasalamatan.
AMEN.
-Josh
Comments
Post a Comment