Byahe
Tara sakay tayo ng bus
May mga topic tayong hihintuan,
Pag uusapan at pagkekwentuhan,
Walang hanggang kasiyahan at tawanan,
Mga harutan na walang katapusan,
Mga kulitan pero walang pikunan,
Mga kwentong barbero kahit di katatawanan,
Mga kwentong kamalian pero dulot ay kasiyahan,
Hanggang sa walang katapusang kaligayahan,
Magkasama sa byaheng sabay nating pupuntahan,
Iisang destinasyon at patutunguhan,
Byaheng sabay nating iaahon,
Kahit pa ang isang gulong ay nasa malalim na balon,
Pangarap na gusto nating makita sa hinaharap,
Buong tiyaga, hirap at pagsisikap,
Upang maabot natin ang iisang pangarap,
Walang hanggang kulitan at pagmamahalan,
Sabay nating pagsasaluhan,
Umaga at gabi pa ang lilipas,
Ngunit ang pag-ibig nati'y di kukupas,
Sa byahe ng pag-ibig,
Pagmamahal ang dapat manaig,
Kahit nasaan man kayong panig ng daigdig,
Tandaan nyong may nag iisang pag-ibig,
Ang laging mananaig sa mga gabing malamig,
Sa byaheng ito walang maliligaw,
Sundin mo yung tibok at sigaw,
Ng puso mong humihiyaw,
Na laging sigaw ay ikaw,
Pagmamahal ko sayo'y nag uumapaw,
Walang sino man ang makakaagaw,
Sa pag-ibig na umaapaw,
Hanggang sa pagtanda,
At ating pagpanaw.
Ang byahe tungo sa pag-ibig,
Ang laging dapat manaig.
-Josh
Comments
Post a Comment