Unspoken 005: Ulirang Ama
Sa sipag at tiyaga nya ikaw ay lumaki at nabuhay,
Sa kanyang mga kamay,
Di alintana ang hirap ng buhay,
Dahil para sa kanila imporante ang iyong buhay,
Di na mahalaga ang init ng araw,
Basta may makain ka araw-araw,
At lumaki ka ng malusog at maayos,
Hirap na dinadanas nila ay di na mahalaga,
Basta ang makita nya ang ngiti at saya ninyo na walang katumbas,
Minsan na magkakasakit sila ngunit di nila iniinda,
Sapagkat ang mahalaga magawa nya ang tungkulin nya bilang Ama,
O kay bilis ng panahon kailan lang ay musmos ka pa lang at kanyang binubuhat,
Ngayon ay malaki kana, hindi mo na naaalala ang lahat,
Ngunit totoo ang lahat inalagaan at ginabayan ka hanggang matuto kang tumayo at lumakad mag isa,
Ulirang Ama kung maituturing,
Pagmamahal sa pamilya at walang katulad,
Haligi ng tahanan pero pamilya ang kahinaan,
Patuloy nya kayong ipaglalaban at iaahon sa kahirapan,
Di ka niya papabayaan,
Aalalayan at gagabayan kahit saan,
Lubos nilang ipinapaalam,
Na ang kanilang kasiyahan ay di mapapantayan ng kahit anong laking halaga,
Bastat makita lang namin kayong masaya,
Kanilang ikinasisigla,
Patuloy na bumabangon, nagtatrabaho para itaguyod ang pag aaral nyo,
Kahit sumakit ang likod at rayumahin ang buto,
Para sakanya kayo ang nagsisilbing lakas nya,
Binabati ko lahat ng mga ama,
Saludo ko sa ginagawa nyo,
Hindi sumusuko at nagpapakatatag,
Para sa pamilya,
Maligayang araw ng mga Tatay,
Kayo ay walang kapantay dito sa puso namin kayo ang aming sandigan at gabay sa tunay na hamon ng buhay,
Maraming salamat Tay,
Hanggang sa aming paglaki ikaw ay sumuporta at patuloy na gumagabay,
Umaalalay sa tuwing nadadapa at may pilay,
Itatayo at aakayin muli,
Sasabihing Anak wag kang matakot at subukan muli, kaya mo yan kaya ipagpatuloy mo ang laban,
"Ang sumusuko ay di nananalo,
Ngunit ang lumalaban, kailanman hindi natatalo. Dahil hindi ka sumuko."
Maraming salamat at Maligayang pagbati ng Araw ng mga Ama.
Comments
Post a Comment