Buwan ng wika: Wikang Filipino Inang Wika
Wikang Filipino Inang Wika
Pagbigkas ng letra at pagbuo ng salita,
Paglilimbag ng naiisin at pahayag sa kapawa,
Wika na insturumento nating Filipino,
Upang magkaisa at makipag kapwa tao,
Ina nating salita sa dulo ng ating mga dila,
Na kahit saan magpunta itoy ating dala-dala,
Ito rin ang palatandaan na kung saan ang ating pinagmulan,
Lahing Filipino, kahit ibat-ibang dayalekto,
May iisang puso at pakikipag kapwa tao,
Malayang binibigkas ang mga salitang nagmula sa wikang pambansa,
May mga sangkap na letra at pangungusap,
Kasaysayan ng wika na sa ninuno pa nagmula,
Alibata ang unang alpabeto hanggang sa maging moderno,
Sa ating panahaon abkd ang unang binabasa,
Hanggang sa maging bihasa sa pagbigkas ng mga salita,
Salita na napaka makapangyarihan na tumatatak sa puso at isipan,
Kung minsan ay salita na ginagamit upang makasakit ng kapwa,
Tayo ay natuto bumasa at sumulat,
Wikang ginagamit mag silbing marka ng pagkakaisa,
Sa ating kapwa maging sa ating ginagawa,
Magsilbing pundasyon nawa ito, isang salita na magsisilbing sigaw ng pagbabago at sagisag ng bansang Filipino.
Comments
Post a Comment