Translate

Untitled unspoken

Sa agos ng buhay minsan na tayong sumabay,
Minsan napapagod at nalulumbay,
Na akala natin hindi sya nakasubaybay,
Yung akala natin madali ang paglalakbay,

Nais kong ibahagi kaunting nalaman,
Sa aking paglalakbay at pakikipag sapalaran,
Aking nalaman hindi madali ngunit, pwedeng matutunan,
Manalig at kumapit, dahil may bukas na sasapit,

Sa iyong paglalakad may mga masisilayan,
Panibagong matutunghayan,
Mga bagay-bagay na dapat pang matutunan,
At habang ikaw ay nasa kalagitnaan,
Pagsubok ay sumasapit at dadaan,

Ating masusubukan tagtag at katibayan,
Wag kang susuko, iyo din itong malalagpasan,
Bawat pahina sa buhay,
Panibagong paglalakbay.

Ngunit kahit anong pagdanaan,
Wag sana natin kalimutan,
Humingi ng kapatawaran, magpakumbaba at ilaan ang lahat sa ngalan ng ating lumikha,
Wag ka ng lumuha,
Tumindig ka at magsimula,
Siya ay gabay sa iyong mga pangungulila.

Comments

Popular posts from this blog

Tiis, mapagtiis, matiisin

Ang pagtatapos..

Kasunduan o pangako?