Akala mo lang
Madami naman talagang nagkakamali,
Maski kahit sino nagkakamali,
Kahit ako nagkakamali,
Wala naman talagang taong perpekto.
Kaya heto sisimulan ko na.
Nung una akala mo kayo pa,
Pero hindi pala kasi may iba na pala,
May iba pa palang magmamahal sakanya,
Yung lahat binigay mo na pero kulang pa,
Masakit pero tama na,
Tama lang na kalimutan mo na,
Kalimutan mo dahil mali na,
Mali na mahalin mo pa,
Dahil may iba na sya,
Akala mo ok kana,
Pero hindi pa pala,
Sa tuwing nakikita mo sya,
Akala mo may kayo pa,
Pero wag kanang umasa,
Dahil ngayon hindi kana sakanya,
At hindi na sya sayo,
Kala mo kaya mo na,
Pero hindi pa pala,
Kala mo nakabangon kana,
Akala mo lang pala,
Hindi mo na dapat pinilit pa,
Hinayaan mong masaktan kapa,
At ilang beses pang masaktan,
Habang patuloy mo syang inaasahan,
Akala mo mahal kapa,
Akala mo mahalaga kapa sakanya,
Akala mo napapansin kapa nya,
Akala mo maibabalik mo pa,
Akala mo lang pala,
Dahil may mahal na pala sya,
Dahil may mas mahalaga pa sakanya,
Dahil may napapansin na syang iba,
At binabalik yung dati nyang saya.
Comments
Post a Comment