Translate

Sa Susunod


Alam mo di naman masamang sumunod,
Wag lang sana tayong mapagod,
Kasi naman lahat ng utos mo sunod-sunod,
Kaya ayan ito na ang huli at wala ng kasunod,

Hindi naman laging dapat kang umasa,
Nasanay ka kasi na para kang prinsesa,
Samantalang dati katulad mo si Sarah,
Ngayon di ko akalain na ikaw na pala si Lavinia,

Pero kahit na ganoon itinuring kitang senyorita,
Tinanggap ko na isa kang prinsesa,
Pero ngayon nasaan ka,
Kaya naman hinanap kita,

Hinanap kita kahit alam kong malabo na,
Ang sabi mo time out muna,
Pero hinanap parin kita,
Kahit sinabi mong ayaw mo na,

Ang sabi mo sumunod ako,
Yun ang ginawa ko,
Sumunod ako pero mag isa nalang pala ko,
Sabi mo huwag na kitang sundan,

Dahil ayaw mo kong masaktan,
Pero mali ka araw-araw lang akong nasasaktan,
Sinundan kita,
Pero di na kita maabutan,

At ng malapit na kitang maabutan,
Lalo mo pang binilisan,
Yun na pala ang hudyat,
Ng iyong paglisan,

Masaya kang nakikipag habulan,
Sa taong wala ka naman katiyakan,
Pansinin ka naman sana kahit minsan,
Dahil ako yung mas nasasaktan.

Nagyon alam ko na yung dapat sundan,
Yung mga yapak kung saan,
Hindi na ko masasaktan,
Yung hindi na ko mahihirapan.

Comments

Popular posts from this blog

Tiis, mapagtiis, matiisin

Ang pagtatapos..

Kasunduan o pangako?