Alay sa mahal nating Guro
Ito ay isinulat para sa mga guro nating lahat, Pagbati ng magandang araw, Sa bawat maghapon na dadaan, Mga aklat at panulat ay handa na, Ituturo na ng ating guro ang kaalaman, Galing sa kangyang puso at isipan, Kanyang pinag aralan at pinaghirapan, Ay isasalin sa atin bilang gintong kaalaman, Pundasyon na mabubuo sa ating pagkabata, Maging sa ating pagtanda, Itinuro ng ating guro ay di biro, Magsulat at magbasa ay kanyang ituturo, Hanggang maging tuwid ang pangalang liko-liko, Magbibilang ng isa hanggang sampu, At hanggang makabuo ng sang'daan, Kaya tayoy makinig at pag-aralan, Ang masasayang kaalaman, Na galing sa guro sa kanyang isipan, Inaral upang ibahagi ang natutunan, Malayo man ang paaralan, Mula sa kanilang tahanan, Tinitiis nila tayong puntahan, Sa ating mga Eskwelahan, Sila yung mga guro na dapat saluduhan, Sapagkat ang kanilang pagmamahal at kasipagan, Ay hindi kayang pantayan, Ng ano mang laki ng kaperahan, Mahalaga par...