Translate

Alay sa mahal nating Guro



Ito ay isinulat para sa mga guro nating lahat,
Pagbati ng magandang araw,
Sa bawat maghapon na dadaan,
Mga aklat at panulat ay handa na,

Ituturo na ng ating guro ang kaalaman,
Galing sa kangyang puso at isipan,
Kanyang pinag aralan at pinaghirapan,
Ay isasalin sa atin bilang gintong kaalaman,

Pundasyon na mabubuo sa ating pagkabata,
Maging sa ating pagtanda,
Itinuro ng ating guro ay di biro,
Magsulat at magbasa ay kanyang ituturo,
Hanggang maging tuwid ang pangalang liko-liko,

Magbibilang ng isa hanggang sampu,
At hanggang makabuo ng sang'daan,
Kaya tayoy makinig at pag-aralan,
Ang masasayang kaalaman,
Na galing sa guro sa kanyang isipan,

Inaral upang ibahagi ang natutunan,
Malayo man ang paaralan,
Mula sa kanilang tahanan,
Tinitiis nila tayong puntahan,
Sa ating mga Eskwelahan,

Sila yung mga guro na dapat saluduhan,
Sapagkat ang kanilang pagmamahal at kasipagan,
Ay hindi kayang pantayan,
Ng ano mang laki ng kaperahan,
Mahalaga parin sakanila ang karunungan,

Ang mga batang kanilang tinuturuan,
Ang lakas na kanilang pinaghuhugutan,
Mga batang nilalagyan palang ng karunungan,
Huwag nating maliitin, kakayahan ng guro natin,
Sila ang naging gabay natin,
Noong uhaw kapa sa kaalaman,

Minsan ba ay tinanong mo sya kung pagod na sya?
Hindi lang estudyante ang napapagod,
Maging guro man ay pagod,
Ngunit pinipili parin nilang magturo,
Upang ang kanilang mag-aaral ay itaguyod,
Sa mga kaalamang dapat nilang matutunan,

Kahit na sila ay mahirapan,
Kapakanan mo lang ang kanilang iniingatan,
Bilang pangalawang magulang,
Hindi karin nila pababayaan,
Sa oras ng kalungkatan,
Luha mo'y kanyang pupunasan,

Mapagmahal na guro,
Salamat sa walang sawang pagtuturo.
Ng Kaalaman at Karunungan.
Ay aming pagkaka-ingatan.

Maraming Salamat!
-Josh

Comments

Popular posts from this blog

Tiis, mapagtiis, matiisin

Ang pagtatapos..

Kasunduan o pangako?