Translate

Bagong simula at pag-asa


Ito na ang simula,
Aking sasabihin ng patula,
Mag umpisa sa mga bagay na masaya,
Wag pilitin ngumiti,
Gawin mo ng unti-unti,

Langit at lupa ang saksi,
Sa mga mangyayari,
Ikaw lang din ang magbibigay kulay,
Sa iyong mundong puno ng lumbay,
Magsumikap at wag malumbay,

Mga pangarap na sabay ninyong binuo,
Hindi lang doon matatapos,
Lumaban at dahan-dahan masdan,
Mga ala-ala ng nagdaan,
Na mahirap kalimutan,

Magiging inspirasyon nalang,
Upang tuparin ang pangarap ng nagdaan,
Ipangako mo sa sariling hindi ka susuko,
Magpakatatag at wag manghinayang,
Buksan ang isipan at tanggapin nalang,

Palipasin ang mga nagdaan,
At ang panibago ay simulan,
Dito kaba masaya?
Dito kaba sasaya?
Kuntento ka ba?
Anoman ang tanong sa ating isipan,
Dapat parin nating tandaan,
Na ang pag-ibig lagi ang dahilan,
Kung bakit kailangan nating lumaban,
Kahit na tayo pa ay masaktan,

Bumangon at gumawa ng paraan,
Upang labanan ang sakit ng nakaraan,
Mag umpisa sa masasayang ala-ala,
Ng may pag-ibig na kasama,
Minsan na tayong nagkasama,
Sa masayang mga ala-ala,

Ngunit ito'y itatago ko na,
Dahil kailangan na,
Sasabihin kong salamat,
Sa iyong mga dulot na saya,
Buhay at puso koy pinaligaya,

Ngunit kakayanin kong mag isa,
Kahit na wala kana,
Magkita man tayo kung saan,
Sa puso parin kita matatagpuan,

Kayat aking sisimulan,
Yung mga bagong pag-asa,
Kahit ako lang mag isa,
Ay kakayanin ko at ipapakita,
Na ang mga pangarap ay di dapat isuko,
Kung kapalit ay isang tagumpay.

Salamat sa pagmulat,
Kahit may pagkagulat,
At may malalim na sugat,
Ito ay parin ay aking isusulat,
Sa pusong minsang nagbukas at kinaya ang lahat.

Tutuparin ko ang lahat,
Kahit hindi na karapat dapat.
Ang huminto ay pagkatalo,
Pero ang hindi sumusuko ay nananalo.

-Josh

Comments

Popular posts from this blog

Tiis, mapagtiis, matiisin

Ang pagtatapos..

Kasunduan o pangako?