Translate

Unspoken 004: Sa nililigawan


Ano ba ang dahilan kung bakit ka niya nagustuhan?
Bago mo sungitan kilalanin mo muna,
Alamin kung bakit ka niya gusto,
Alamin kung anong tunay na hangarin,
Bago ka magtiwala kilalanin mo siya,

Sa dami ng tao sa mundo,
Bakit kaba niya gusto?
Sagutin mo ang tanong,
Habang kinikilala siya,
Alamin mo ang lahat ng tungkol sakanya,

Mahirap magtiwala sa di mo kilala,
Kaya kilalanin mo muna siya,
Bago ibigay ang tiwala at matamis na oo,
Sa dami ng tao sa mundo hindi mo na alam,
Kung sino yung matino, sa manloloko,

At kung nakilala mo na siya,
Matatanggap mo ba kung ano siya,
Nalaman mo ba kung anong pinagdaanan niya,
Bago pa siya manligaw sa iyo?

Wag mong kumbinsihin ang iyong sarili,
Kung hindi mo kayang tanggapin yung tao,
Matuto kang alamin muna kung anong hirap niya,
Bago ka mang husga,

Sagutin ang tanong na bakit?
Sinuyo ka niya bakit?
Gusto ka niya bakit?
Mahal kana niya bakit?
Kapag nasagot mo ang bakit ng hindi nagtatanong,
Baka nga kilala mo na siya kaya para saan pa ang bakit,

Sa pag-ibig kung susubukan mo,
Dapat nakahanda kang tanggapin siya ng buo,
Nakilala mo siya at pagaktao niya,
Ipakita mo din sana kung ano ka,
Wag mong itago ang tunay na nararamdaman,

Kapag nasa punto kana na gusto mo nadin siya,
Handa kana din bang tanggapin ang mundo niya?
Handa kana din bang sumama sa plano niya?
Wag kang mag alala, dahil sabay niyong.
Tutuparin ang mga pangarap na binuo ninyo,

Maging malawak ang iyong isipan,
Pang unawa ang dapat laging nandiyan,
Oras ang mahalaga sainyong dalawa,
Oras ng trabaho ay ibigay sakanya,
Sa pag uwi niya at pagod siya,

Tandaan mo sa piling mo parin siya makakapahinga,
Habang nasa piling mo dun siya babawi ng sigla,
Maniwala ka sa Pag-ibig dahil ito ang tunay na ligaya,
Pagkakaunawaan at pagmamahalan,
Ay susi sa pagmamahal na pang matagalan,

Kung tanggap mo na lahat ang pagkatao niya,
Payagan mo na ang sariling sagutin siya,
Ibigay mo ang matamis na oo,
Na pinaghirapan niya ng mahabang panahon,
Wag niyong sayangin yung pagkakataon,

Na binigay sainyo ng Panginoon.
Sabay niyong abutin mga pangarap at layunin.

Comments

Popular posts from this blog

Tiis, mapagtiis, matiisin

Ang pagtatapos..

Kasunduan o pangako?