Unspoken 003 - Sa Manliligaw (Admirer)
Sa una palang dapat alam mo na,
Alamin mo muna kung anong pinagdaanan niya,
Kung sino ba ang mga tao sa paligid niya,
Kung paano mo siya mapapasaya,
Kung paano iikot ang mundo niya kapag dumating kana,
Alamin mo kung anong dapat,
Alamin mo muna kung anong gusto niya,
At kapag nalaman mo na,
Baka sakaling maintindihan mo na,
Hindi sa lahat ng oras ay kapiling mo siya,
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandiyan siya,
Intindihin mo siya yun ang pinakamahalaga,
Huwag kang mapapagod na suyuin siya,
Kahit na sungitan kapa niya,
Kung malungkot at umiiyak siya,
Lapitan mo at punasan ang kinyang luha,
Hindi madali ang kaniyang pinagdaanan,
Pero hindi rin naman madali ang maghintay,
Haba ng pasensya at lawak ng pang unawa,
Yan ang susi sa pagmamahal na di siya magsasawa,
Huwag mo siyang madaliin sumagot,
Bigyan mo siya ng oras at panahon,
Para pag isipan kung pwede na,
Kung magiging okay ba,
O magiging kaibigan ka lang ba.
Ihanda mo ang sarili sa pagkakataon,
Kung ibibigay na niya ang sagot,
Ihanda mo ang panyo kung sakaling hindi pwede,
Subalit kung positibo ang resulta,
Ingatan mo siya at samahan sa mga gagawin niya,
Ikaw ang magsisilbing sandalan niya,
Ikaw ang maigiging matatag na pundasyon,
Sa inyong relasyon,
Magpakatatag ka para sainyo,
Huwag niyong hayaan mawala nalang,
Ang inyong pinagsamahan,
Kayo ay magkasama upang magmahalan,
Hindi para pahirapan ang isat-isa,
Akayin mo siya patungo sa altar,
Ang serbisyo ng paglilingkod sa Diyos,
Ipagpasalamat at alalahanin kung bakit kayo pinagtagpo,
Huwag niyong pabayaan ang isat-isa,
Ingatan ang nabuong pagmamahalan.
Darating ang araw na may mga di pagkakaunawaan,
Ngunit pagmamahal parin ang dapat manaig,
Pagtatalo ay natatapos, ngunit pag-big ang hindi dapat matapos,
Ipaglaban nyo parin ang mga bagay na masasaya,
Kung saan ang mga pangarap ay binigyan nyo ng pag-asa.
Alam mo ba kung bakit ka umiibig?
Diyos ang dahilan kung bakit may pagmamahal tayong nararamdaman.
"Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin." Juan 4:19
Comments
Post a Comment