Posts

Showing posts from March, 2018

Translate

Inspirasyon o paghanga

Image
Lahat naman siguro ay mayroon nito, Di mawawala ang paghanga sa isang tao. Ewan ko lang kung sa iba ay isa lang 😊 Ang paghanga ay gawa ng inspirasyon, Ito yung paghanga ng walang kundisyon, Katagalan ay nagiging karelasyon, Pero dipende parin sa desisyon. Ikaw ba ay sikretong umiibig, Na pag kaharap mo sya ay walang lumalabas sa bibig? Ngunit bakit ba nauutal ano ba ang dahilan? Dahil ba sa iyong naramdaman? Walang pagsidlan ang ligayang hatid, Pag ikaw ang unang nakita sa paligid, Maniwala ka sana gusto na ata kita, Di maipaliwanag ang saya’ng nadarama. Sana’y di na matapos ang araw na ito Habang akoy nakatanaw sayo, Di ko mapigilan ang pusong nalilito, Pag-ibig o paghanga paba ito? Kay sarap ng may inspirasyon, Yung nakakatanggal ng kunsumisyon, Yung parang bitamina ng eleksyon, Yung Vitamin i, Anti-kunsumiyon. At may bonus pa, Immune kapa sakanya, O diba di kana lugi, Malay mo bukas kasama mo na sya. Pero wag ka muna mag ilusyon, ...

Tiis, mapagtiis, matiisin

Image
Ano ba ang halaga ng matiisin o pagkamatiisin? Kung may taong matiisin, Sana wag naman nating abusuhin, Sana walang abusado, Ng walang tao ang maloko, Hindi lang isa kundi dalawa, At napakarami pa ang abusado, Nakakalungkot lang at may naloloko, Kayat natuto nalang magtiis ang naloko, Kung ikaw ang mapag-tiis, Ano ang iyong nais? Kahit na mahirap at masakit, Kaya mo parin bang tiisin ang hirap at sakit? Iba nga talaga ang kaso ng matiisin, Sila yung mahirap hanapin, Pero s ila yung madaling kausapin, At higit sa lahat sila yung masarap mahalin. Yung kaya kang intindihin, Yung hindi mo poproblemahin, Yung tipong hindi ka babalewalain, At yung tipong ipagmamalaki ka parin. Kahit na sila ay nasasaktan, Kaya ka parin ipag-laban, At kapag nahanap mo na siya, Ingatan at mahalin mo siya. Siya kasi yung tipong matiisin, Na mahirap hanapin, Pero madaling mahalin.

Kasunduan o pangako?

Image
ano nga ba ang kaibahan ng kasunduan sa pangako? Kasunduan, Ito ba yung usapan na inyong sinimulan pero walang katapusan? O marahil ito yung salitang pinagmulan ng katuparan? Kasunduan ngunit walang katuparan, Pinag-usapan pero hindi masimulan, Dahil ayaw mo yung may katapusan. Pangako? Sabi nila wag ka daw mangako kung ayaw mong mapako, Pero ano ba talaga ang kaibahan ng pangako? Pangako, ito ba yung mga sinabi nyo sa isat-isa nung kayo pa? Ito ba yung salitang ang ibig sabihin ay pag-ako? Pag-ako sa mga salitang binitiwan nyo nung panahong huminto ang oras at minuto, Huminto ang ikot ng mundo, Bumagal ang tibok ng puso. Yung salitang pangako ay pag-ako ng responsibilidad. Pangako, na ang daling sabihin, Pero napakahirap palang gawin.

Iniisip

Image
Lagi naman tayo nag iisip, Bakit nga ba kita iniisip, Sa mga sandaling naiinip, Bakit ba ikaw ang pumapasok sa isip, Iniisip ko na sana ako, Na sana ikaw, Na sana ikaw at ako, Na may tayo, Na sana may oras na iniisip mo rin ako, Na sana masaya ka, Sa mga iniisip mo, Oo, hindi mo alam, Kaya hindi mo naman kasalanan, Hindi mo kasalanan, Na may puso palang nasasaktan, Oo, tahimik ako, Tahimik ako kasi, baka pag umimik ako, Malaman mo ang pakiramdam ko, Pakiramdam ko na ikaw ang nasa, Puso at isip ko, Natatakot ako na malaman mo, Na matagal na kitang gusto, Oo matagal na, Pero heto, naghihintay ako, Naghihintay ako na sana, Mayroong tayo, Na sana iniisip mo na, Dumaan pala ko sa buhay mo, Na iniisip mo rin na nandito ako, Na mayroong naghihintay sayo, Pero habang iniisip ko yun, Nakikita kong kabaligtaran ang lahat, Na habang palapit na ako, Ay sya mo namang paglayo, At habang lumalayo ka, Iniisip ko na sana lumingon ka, Pero hanggang do...

Paglisan

Image
Ano ba ang paglisan? Ito ba yung pakiramadam na, Inihabilin ka lang tapos, Bigla kang iniwan? O marahil ito yung pakiramadam na, Nasasaktan ka na, Kaya mo sya nilisan? Maraming ibig sabihin ang salitang Paglisan, Tama, hindi laging tama ang dahilan, Para ikaw ay lumisan, Hindi rin naman masasabing tama, Ang Paglisan kung walang magandang dahilan, Pero bakit nga ba kailangan ng dahilan, Kung nais mo ng lumisan, Pwede mo bang agad makalimutan? Yung mga dahilan kung bakit mo sya o ka nya iniwan? Marahil ibat-iba talaga ang dahilan, Kung bakit tayo iniiwan, Maaring dahil din sa karamdaman, O lubha lang ba tayong nasaktan. Isa lang naman ang kasagutan, Malawak na unawaan, At maayos na usapan, Paano mo ba sya/ ka niya nilisan? Tanging ikaw lang ang nakakaalam nyan. Kung anoman ang dahilan, Sana hindi mo pagsisihan.

Kailan pa, ba?

Image
Kailan? Sa ingles ay when? Kailan nga ba nagsimula? Kailan nga ba yung araw? Yung panahong nagtama, Yung mata nating dalawa, Kailan ba yung oras na, Huminto ang lahat, Parang panaginip na ayoko nang dumilat, Hanggang panaginip nalang ba? Hanggang kailan paba magtitiis, Na kapag ikaw ay namimiss, Walang ibang nais, Na masilayan ang mga ngiting matamis, Kailan ba yung mga araw na lagi tayong nagkikita, Hindi ko ata maalala, hindi ko maalala, Dahil ngayon hindi na kita makita, Hindi ko na magawang makita ka, Dahil ayoko na, oo ayoko na, Dahil malayo kana, Dahil masaya ka habang papalayo ka, Dahil kung kailan ako humahakbang, Upang ikaw ay malapitan, Ay sya mo namang paglisan, Kailan ba yung panahon na, Maisipan mong bumalik pa, Hindi na ko umaasa, Dahil alam ko masaya kana, Alam kong, yung panahon na kung kailan ako ay nandito, Ay nandoon ka naman, Yung kung kailan ako malapit na, Yun din yung oras na malayo kana, ...