Inspirasyon o paghanga
Lahat naman siguro ay mayroon nito,
Di mawawala ang paghanga sa isang tao.
Ewan ko lang kung sa iba ay isa lang 😊
Ang paghanga ay gawa ng inspirasyon,
Ito yung paghanga ng walang kundisyon,
Katagalan ay nagiging karelasyon,
Pero dipende parin sa desisyon.
Ikaw ba ay sikretong umiibig,
Na pag kaharap mo sya ay walang lumalabas sa bibig?
Ngunit bakit ba nauutal ano ba ang dahilan?
Dahil ba sa iyong naramdaman?
Walang pagsidlan ang ligayang hatid,
Pag ikaw ang unang nakita sa paligid,
Maniwala ka sana gusto na ata kita,
Di maipaliwanag ang saya’ng nadarama.
Sana’y di na matapos ang araw na ito
Habang akoy nakatanaw sayo,
Di ko mapigilan ang pusong nalilito,
Pag-ibig o paghanga paba ito?
Kay sarap ng may inspirasyon,
Yung nakakatanggal ng kunsumisyon,
Yung parang bitamina ng eleksyon,
Yung Vitamin i, Anti-kunsumiyon.
At may bonus pa,
Immune kapa sakanya,
O diba di kana lugi,
Malay mo bukas kasama mo na sya.
Pero wag ka muna mag ilusyon,
Hanggang hindi mo pa sya karelasyon,
Baka mauwi sa wrong person,
Iba pa ang makarelasyon.
Dahan-dahan lang mga tsong,
Isipin mo nalang karera ng pagong,
Madapa ka man at masugatan,
Hindi naman kalaliman.
Isang araw mula ngayon,
Inaabangan ko parin,
Ang kanyang desisyon,
Na kung kami naba ay mag-on.
Sa mga tao’ng may inspirasyon,
Wag mainip sa kanyang desisyon,
Hintayin mong maging ikaw yung right person,
At mabaling sayo ang kanyang atensyon.
😊
Comments
Post a Comment