Translate

Iniisip

Lagi naman tayo nag iisip,
Bakit nga ba kita iniisip,
Sa mga sandaling naiinip,
Bakit ba ikaw ang pumapasok sa isip,
Iniisip ko na sana ako,

Na sana ikaw,
Na sana ikaw at ako,
Na may tayo,
Na sana may oras na iniisip mo rin ako,
Na sana masaya ka,

Sa mga iniisip mo,
Oo, hindi mo alam,
Kaya hindi mo naman kasalanan,
Hindi mo kasalanan,
Na may puso palang nasasaktan,
Oo, tahimik ako,

Tahimik ako kasi, baka pag umimik ako,
Malaman mo ang pakiramdam ko,
Pakiramdam ko na ikaw ang nasa,
Puso at isip ko,
Natatakot ako na malaman mo,

Na matagal na kitang gusto,
Oo matagal na,
Pero heto, naghihintay ako,
Naghihintay ako na sana,
Mayroong tayo,

Na sana iniisip mo na,
Dumaan pala ko sa buhay mo,
Na iniisip mo rin na nandito ako,
Na mayroong naghihintay sayo,
Pero habang iniisip ko yun,

Nakikita kong kabaligtaran ang lahat,
Na habang palapit na ako,
Ay sya mo namang paglayo,
At habang lumalayo ka,
Iniisip ko na sana lumingon ka,

Pero hanggang doon nalang,
Tila napagod na ako sa kakaisip sayo,
Na sana mayroong panahon at pagkakataon,
Na masabi kong ikaw lang ang laman,
Ng puso’t isipan.

Comments

Popular posts from this blog

Tiis, mapagtiis, matiisin

Ang pagtatapos..

Kasunduan o pangako?