Translate

Paglisan

Ano ba ang paglisan?
Ito ba yung pakiramadam na,
Inihabilin ka lang tapos,
Bigla kang iniwan?
O marahil ito yung pakiramadam na,

Nasasaktan ka na,
Kaya mo sya nilisan?
Maraming ibig sabihin ang salitang Paglisan,
Tama, hindi laging tama ang dahilan,
Para ikaw ay lumisan,

Hindi rin naman masasabing tama,
Ang Paglisan kung walang magandang dahilan,
Pero bakit nga ba kailangan ng dahilan,
Kung nais mo ng lumisan,
Pwede mo bang agad makalimutan?

Yung mga dahilan kung bakit mo sya o ka nya iniwan?
Marahil ibat-iba talaga ang dahilan,
Kung bakit tayo iniiwan,
Maaring dahil din sa karamdaman,
O lubha lang ba tayong nasaktan.

Isa lang naman ang kasagutan,
Malawak na unawaan,
At maayos na usapan,
Paano mo ba sya/ ka niya nilisan?

Tanging ikaw lang ang nakakaalam nyan.
Kung anoman ang dahilan,
Sana hindi mo pagsisihan.

Comments

Popular posts from this blog

Tiis, mapagtiis, matiisin

Ang pagtatapos..

Kasunduan o pangako?