Kailan pa, ba?
Sa ingles ay when?
Kailan nga ba nagsimula?
Kailan nga ba yung araw?
Yung panahong nagtama,
Yung mata nating dalawa,
Kailan ba yung oras na,
Huminto ang lahat,
Parang panaginip na ayoko nang dumilat,
Hanggang panaginip nalang ba?
Hanggang kailan paba magtitiis,
Na kapag ikaw ay namimiss,
Walang ibang nais,
Na masilayan ang mga ngiting matamis,
Kailan ba yung mga araw na lagi tayong nagkikita,
Hindi ko ata maalala, hindi ko maalala,
Dahil ngayon hindi na kita makita,
Hindi ko na magawang makita ka,
Dahil ayoko na, oo ayoko na,
Dahil malayo kana,
Dahil masaya ka habang papalayo ka,
Dahil kung kailan ako humahakbang,
Upang ikaw ay malapitan,
Ay sya mo namang paglisan,
Kailan ba yung panahon na,
Maisipan mong bumalik pa,
Hindi na ko umaasa,
Dahil alam ko masaya kana,
Alam kong, yung panahon na kung kailan ako ay nandito,
Ay nandoon ka naman,
Yung kung kailan ako malapit na,
Yun din yung oras na malayo kana,
Kailan pa, kailan ba?
Kailan pa yung unang beses na,
Napansin mo ako?
Kailan ba dadating yung ikaw at ako,
Kailan paba yung tamang oras para mapalitan,
Yung KAIBIGAN Ng Ka-IBIGAN?
By JoshThePoet
Comments
Post a Comment