Posts

Translate

Untitled unspoken

Image
Sa agos ng buhay minsan na tayong sumabay, Minsan napapagod at nalulumbay, Na akala natin hindi sya nakasubaybay, Yung akala natin madali ang paglalakbay, Nais kong ibahagi kaunting nalaman, Sa aking paglalakbay at pakikipag sapalaran, Aking nalaman hindi madali ngunit, pwedeng matutunan, Manalig at kumapit, dahil may bukas na sasapit, Sa iyong paglalakad may mga masisilayan, Panibagong matutunghayan, Mga bagay-bagay na dapat pang matutunan, At habang ikaw ay nasa kalagitnaan, Pagsubok ay sumasapit at dadaan, Ating masusubukan tagtag at katibayan, Wag kang susuko, iyo din itong malalagpasan, Bawat pahina sa buhay, Panibagong paglalakbay. Ngunit kahit anong pagdanaan, Wag sana natin kalimutan, Humingi ng kapatawaran, magpakumbaba at ilaan ang lahat sa ngalan ng ating lumikha, Wag ka ng lumuha, Tumindig ka at magsimula, Siya ay gabay sa iyong mga pangungulila.

Dalangin sa Pagsubok

Image
Mundo na puno ng misteryo,  Na di maiiwasan ang kalbaryo,  Ano ba talaga ang nasa kabila nito?  Mga pagsubok na tila walang hanggan,  Mga luha na walang humpay na pumapatak,  Kalungkutan na tila walang katapusan, Paano ba ito lalagpasan? Sampalataya ang tanging daan,  Upang ang lungkot ay maibsan,  Walang sino ang nakakaalam,  Kung kailan mapuputol ang kalungkutan,  Mga pagsubok na tila walang hanggan,  Ngunit ito ay gagaan, Panalangin ang kasagutan, O Diyos naming mapagmahal,  Dinggin nawa ang aming dalangin,  Proteksyon at gabay ang laging hiling,  Upang isipan ay mapanatag,  At higit na maging matatag,  Pasasalamat at tanging alay,  Paghingi ng kapatawaran sa mga kasalanan,  Ikinagagalak ko na di ninyo kami pinabayaan,  Salamat, O Diyos ko kayo laging nariyan,  Lagi kitang karamay, Sa mga pagsubok sa buhay,  Ikaw ang nagsisilbing gabay,  Upang guminhawa ang aking buhay...

Byahe

Image
Tara sakay tayo ng bus May mga topic tayong hihintuan, Pag uusapan at pagkekwentuhan, Walang hanggang kasiyahan at tawanan, Mga harutan na walang katapusan, Mga kulitan pero walang pikunan, Mga kwentong barbero kahit di katatawanan, Mga kwentong kamalian pero dulot ay kasiyahan, Hanggang sa walang katapusang kaligayahan, Magkasama sa byaheng sabay nating pupuntahan, Iisang destinasyon at patutunguhan, Byaheng sabay nating iaahon, Kahit pa ang isang gulong ay nasa malalim na balon, Pangarap na gusto nating makita sa hinaharap, Buong tiyaga, hirap at pagsisikap, Upang maabot natin ang iisang pangarap, Walang hanggang kulitan at pagmamahalan, Sabay nating pagsasaluhan, Umaga at gabi pa ang lilipas, Ngunit ang pag-ibig nati'y di kukupas, Sa byahe ng pag-ibig, Pagmamahal ang dapat manaig, Kahit nasaan man kayong panig ng daigdig, Tandaan nyong may nag iisang pag-ibig, Ang laging mananaig sa mga gabing malamig, Sa byaheng ito walang maliligaw, Sundin mo...

Buwan ng wika: Wikang Filipino Inang Wika

Image
Wikang Filipino Inang Wika Pagbigkas ng letra at pagbuo ng salita, Paglilimbag ng naiisin at pahayag sa kapawa, Wika na insturumento nating Filipino, Upang magkaisa at makipag kapwa tao, Ina nating salita sa dulo ng ating mga dila, Na kahit saan magpunta itoy ating dala-dala, Ito rin ang palatandaan na kung saan ang ating pinagmulan, Lahing Filipino, kahit ibat-ibang dayalekto, May iisang puso at pakikipag kapwa tao, Malayang binibigkas ang mga salitang nagmula sa wikang pambansa, May mga sangkap na letra at pangungusap, Kasaysayan ng wika na sa ninuno pa nagmula, Alibata ang unang alpabeto hanggang sa maging moderno, Sa ating panahaon abkd ang unang binabasa, Hanggang sa maging bihasa sa pagbigkas ng mga salita, Salita na napaka makapangyarihan na tumatatak sa puso at isipan, Kung minsan ay salita na ginagamit upang makasakit ng kapwa, Tayo ay natuto bumasa at sumulat, Wikang ginagamit mag silbing marka ng pagkakaisa, Sa ating kapwa maging sa ating ginagaw...

Unspoken 005: Ulirang Ama

Image
Sa sipag at tiyaga nya ikaw ay lumaki at nabuhay, Sa kanyang mga kamay, Di alintana ang hirap ng buhay, Dahil para sa kanila imporante ang iyong buhay, Di na mahalaga ang init ng araw, Basta may makain ka araw-araw, At lumaki ka ng malusog at maayos, Hirap na dinadanas nila ay di na mahalaga, Basta ang makita nya ang ngiti at saya ninyo na walang katumbas, Minsan na magkakasakit sila ngunit di nila iniinda, Sapagkat ang mahalaga magawa nya ang tungkulin nya bilang Ama, O kay bilis ng panahon kailan lang ay musmos ka pa lang at kanyang binubuhat, Ngayon ay malaki kana, hindi mo na naaalala ang lahat, Ngunit totoo ang lahat inalagaan at ginabayan ka hanggang matuto kang tumayo at lumakad mag isa, Ulirang Ama kung maituturing, Pagmamahal sa pamilya at walang katulad, Haligi ng tahanan pero pamilya ang kahinaan, Patuloy nya kayong ipaglalaban at iaahon sa kahirapan, Di ka niya papabayaan, Aalalayan at gagabayan kahit saan, Lubos nilang ipinapaalam, Na ang kanila...

Alay sa mahal nating Guro

Image
Ito ay isinulat para sa mga guro nating lahat, Pagbati ng magandang araw, Sa bawat maghapon na dadaan, Mga aklat at panulat ay handa na, Ituturo na ng ating guro ang kaalaman, Galing sa kangyang puso at isipan, Kanyang pinag aralan at pinaghirapan, Ay isasalin sa atin bilang gintong kaalaman, Pundasyon na mabubuo sa ating pagkabata, Maging sa ating pagtanda, Itinuro ng ating guro ay di biro, Magsulat at magbasa ay kanyang ituturo, Hanggang maging tuwid ang pangalang liko-liko, Magbibilang ng isa hanggang sampu, At hanggang makabuo ng sang'daan, Kaya tayoy makinig at pag-aralan, Ang masasayang kaalaman, Na galing sa guro sa kanyang isipan, Inaral upang ibahagi ang natutunan, Malayo man ang paaralan, Mula sa kanilang tahanan, Tinitiis nila tayong puntahan, Sa ating mga Eskwelahan, Sila yung mga guro na dapat saluduhan, Sapagkat ang kanilang pagmamahal at kasipagan, Ay hindi kayang pantayan, Ng ano mang laki ng kaperahan, Mahalaga par...