Posts

Showing posts from 2018

Translate

Pag-asa o paasa?

Image
Alam mo bang matagal kanang umaasa? At paano ko nasabi dahil habang umaasa ka patuloy naman akong nasasaktan at nahihirapan, Dahil habang umaasa ka sakanya, di ko kinakaya na makita kang binabalewala nya, Hindi ko miwasan na masaktan, pag nakikita kang ganyan, habang minamasdan ka sa malayuan, patuloy ka parin sa pag-asa na magiging kayo narin, Habang patuloy akong umaasa, na baka magsawa kana at mapatingin sa akin, kahit na ako'y balewalain ikaw parin ang pipiliin, Dahil may pag-asa parin na ika'y mapasakin, ano mang hirap ay kakayanin, maging ikaw lang at ako lahat gagawin ko, Alam kong gasgas na iyon, pero heto ang garantiya ko sayo, pangakong hindi ka sasaktan at mamahalin hanggang kamatayan, Umulan man ng kasinungalingan, mananatili parin ang katotohanan, na ikaw lang ang mamahalin at aking iibigin, Hanggang sa dumating ang pag-asang, May pagkakataon na para sating dalwa, hindi mo pa alam sa ngayon, dahil aaminin ko rin naman...

Maghihintay

Image
Maghintay? Paghihintay o hihintayin? Alin kaba talaga sa tatlong nabanggit? Hindi ba isa ka rin sa karamihan na may hinahantay? Yung kahit anong hirap man ang pagdaanan, mananatili ka parin at maghihintay. Yung tipong kahit napakaliit ng tyansa ay patuloy ka parin sa paghihintay. Yung kahit na ilang beses ng umikot ng paulit-ulit yung oras hindi ka parin napapagod Maghintay. Sa unang pagkakataon ikaw ay sumubok, magmahal at matutong sumugal, ngunit hindi mo alam kung hanggang saan ka tatagal, Pero kinaya mo ang lahat ng paghihirap at pagtitiis, upang makamit mo ang iyong nais, Nanatili kang patas sa lahat ng oras, hindi mo na namalayan, na minsan kana rin pala niyang minasdan, Mga bagay na ginagawa mo ay unti-unting nagustuhan, maging ang post mo sa social media ay kanyang pinupusuan, Simula ng kanyang pinusuan, ikaw nalang ang laman ng puso't isipan, Di mo lubos maisip na ang dating panaginip, ay iyo ng masisilip, Pero di lang pala ito pa...

Akala mo lang

Image
Madami naman talagang nagkakamali, Maski kahit sino nagkakamali, Kahit ako nagkakamali, Wala naman talagang taong perpekto. Kaya heto sisimulan ko na. Nung una akala mo kayo pa, Pero hindi pala kasi may iba na pala, May iba pa palang magmamahal sakanya, Yung lahat binigay mo na pero kulang pa, Masakit pero tama na, Tama lang na kalimutan mo na, Kalimutan mo dahil mali na, Mali na mahalin mo pa, Dahil may iba na sya, Akala mo ok kana, Pero hindi pa pala, Sa tuwing nakikita mo sya, Akala mo may kayo pa, Pero wag kanang umasa, Dahil ngayon hindi kana sakanya, At hindi na sya sayo, Kala mo kaya mo na, Pero hindi pa pala, Kala mo nakabangon kana, Akala mo lang pala, Hindi mo na dapat pinilit pa, Hinayaan mong masaktan kapa, At ilang beses pang masaktan, Habang patuloy mo syang inaasahan, Akala mo mahal kapa, Akala mo mahalaga kapa sakanya, Akala mo napapansin kapa nya, Akala mo maibabalik mo pa, Akala mo lang pala, Dahil may mahal na pala sya, Da...

Sa Susunod

Image
Alam mo di naman masamang sumunod, Wag lang sana tayong mapagod, Kasi naman lahat ng utos mo sunod-sunod, Kaya ayan ito na ang huli at wala ng kasunod, Hindi naman laging dapat kang umasa, Nasanay ka kasi na para kang prinsesa, Samantalang dati katulad mo si Sarah, Ngayon di ko akalain na ikaw na pala si Lavinia, Pero kahit na ganoon itinuring kitang senyorita, Tinanggap ko na isa kang prinsesa, Pero ngayon nasaan ka, Kaya naman hinanap kita, Hinanap kita kahit alam kong malabo na, Ang sabi mo time out muna, Pero hinanap parin kita, Kahit sinabi mong ayaw mo na, Ang sabi mo sumunod ako, Yun ang ginawa ko, Sumunod ako pero mag isa nalang pala ko, Sabi mo huwag na kitang sundan, Dahil ayaw mo kong masaktan, Pero mali ka araw-araw lang akong nasasaktan, Sinundan kita, Pero di na kita maabutan, At ng malapit na kitang maabutan, Lalo mo pang binilisan, Yun na pala ang hudyat, Ng iyong paglisan, Masaya kang nakikipag habulan, Sa taong wala ka naman kati...

Inspirasyon o paghanga

Image
Lahat naman siguro ay mayroon nito, Di mawawala ang paghanga sa isang tao. Ewan ko lang kung sa iba ay isa lang 😊 Ang paghanga ay gawa ng inspirasyon, Ito yung paghanga ng walang kundisyon, Katagalan ay nagiging karelasyon, Pero dipende parin sa desisyon. Ikaw ba ay sikretong umiibig, Na pag kaharap mo sya ay walang lumalabas sa bibig? Ngunit bakit ba nauutal ano ba ang dahilan? Dahil ba sa iyong naramdaman? Walang pagsidlan ang ligayang hatid, Pag ikaw ang unang nakita sa paligid, Maniwala ka sana gusto na ata kita, Di maipaliwanag ang saya’ng nadarama. Sana’y di na matapos ang araw na ito Habang akoy nakatanaw sayo, Di ko mapigilan ang pusong nalilito, Pag-ibig o paghanga paba ito? Kay sarap ng may inspirasyon, Yung nakakatanggal ng kunsumisyon, Yung parang bitamina ng eleksyon, Yung Vitamin i, Anti-kunsumiyon. At may bonus pa, Immune kapa sakanya, O diba di kana lugi, Malay mo bukas kasama mo na sya. Pero wag ka muna mag ilusyon, ...

Tiis, mapagtiis, matiisin

Image
Ano ba ang halaga ng matiisin o pagkamatiisin? Kung may taong matiisin, Sana wag naman nating abusuhin, Sana walang abusado, Ng walang tao ang maloko, Hindi lang isa kundi dalawa, At napakarami pa ang abusado, Nakakalungkot lang at may naloloko, Kayat natuto nalang magtiis ang naloko, Kung ikaw ang mapag-tiis, Ano ang iyong nais? Kahit na mahirap at masakit, Kaya mo parin bang tiisin ang hirap at sakit? Iba nga talaga ang kaso ng matiisin, Sila yung mahirap hanapin, Pero s ila yung madaling kausapin, At higit sa lahat sila yung masarap mahalin. Yung kaya kang intindihin, Yung hindi mo poproblemahin, Yung tipong hindi ka babalewalain, At yung tipong ipagmamalaki ka parin. Kahit na sila ay nasasaktan, Kaya ka parin ipag-laban, At kapag nahanap mo na siya, Ingatan at mahalin mo siya. Siya kasi yung tipong matiisin, Na mahirap hanapin, Pero madaling mahalin.

Kasunduan o pangako?

Image
ano nga ba ang kaibahan ng kasunduan sa pangako? Kasunduan, Ito ba yung usapan na inyong sinimulan pero walang katapusan? O marahil ito yung salitang pinagmulan ng katuparan? Kasunduan ngunit walang katuparan, Pinag-usapan pero hindi masimulan, Dahil ayaw mo yung may katapusan. Pangako? Sabi nila wag ka daw mangako kung ayaw mong mapako, Pero ano ba talaga ang kaibahan ng pangako? Pangako, ito ba yung mga sinabi nyo sa isat-isa nung kayo pa? Ito ba yung salitang ang ibig sabihin ay pag-ako? Pag-ako sa mga salitang binitiwan nyo nung panahong huminto ang oras at minuto, Huminto ang ikot ng mundo, Bumagal ang tibok ng puso. Yung salitang pangako ay pag-ako ng responsibilidad. Pangako, na ang daling sabihin, Pero napakahirap palang gawin.

Iniisip

Image
Lagi naman tayo nag iisip, Bakit nga ba kita iniisip, Sa mga sandaling naiinip, Bakit ba ikaw ang pumapasok sa isip, Iniisip ko na sana ako, Na sana ikaw, Na sana ikaw at ako, Na may tayo, Na sana may oras na iniisip mo rin ako, Na sana masaya ka, Sa mga iniisip mo, Oo, hindi mo alam, Kaya hindi mo naman kasalanan, Hindi mo kasalanan, Na may puso palang nasasaktan, Oo, tahimik ako, Tahimik ako kasi, baka pag umimik ako, Malaman mo ang pakiramdam ko, Pakiramdam ko na ikaw ang nasa, Puso at isip ko, Natatakot ako na malaman mo, Na matagal na kitang gusto, Oo matagal na, Pero heto, naghihintay ako, Naghihintay ako na sana, Mayroong tayo, Na sana iniisip mo na, Dumaan pala ko sa buhay mo, Na iniisip mo rin na nandito ako, Na mayroong naghihintay sayo, Pero habang iniisip ko yun, Nakikita kong kabaligtaran ang lahat, Na habang palapit na ako, Ay sya mo namang paglayo, At habang lumalayo ka, Iniisip ko na sana lumingon ka, Pero hanggang do...

Paglisan

Image
Ano ba ang paglisan? Ito ba yung pakiramadam na, Inihabilin ka lang tapos, Bigla kang iniwan? O marahil ito yung pakiramadam na, Nasasaktan ka na, Kaya mo sya nilisan? Maraming ibig sabihin ang salitang Paglisan, Tama, hindi laging tama ang dahilan, Para ikaw ay lumisan, Hindi rin naman masasabing tama, Ang Paglisan kung walang magandang dahilan, Pero bakit nga ba kailangan ng dahilan, Kung nais mo ng lumisan, Pwede mo bang agad makalimutan? Yung mga dahilan kung bakit mo sya o ka nya iniwan? Marahil ibat-iba talaga ang dahilan, Kung bakit tayo iniiwan, Maaring dahil din sa karamdaman, O lubha lang ba tayong nasaktan. Isa lang naman ang kasagutan, Malawak na unawaan, At maayos na usapan, Paano mo ba sya/ ka niya nilisan? Tanging ikaw lang ang nakakaalam nyan. Kung anoman ang dahilan, Sana hindi mo pagsisihan.

Kailan pa, ba?

Image
Kailan? Sa ingles ay when? Kailan nga ba nagsimula? Kailan nga ba yung araw? Yung panahong nagtama, Yung mata nating dalawa, Kailan ba yung oras na, Huminto ang lahat, Parang panaginip na ayoko nang dumilat, Hanggang panaginip nalang ba? Hanggang kailan paba magtitiis, Na kapag ikaw ay namimiss, Walang ibang nais, Na masilayan ang mga ngiting matamis, Kailan ba yung mga araw na lagi tayong nagkikita, Hindi ko ata maalala, hindi ko maalala, Dahil ngayon hindi na kita makita, Hindi ko na magawang makita ka, Dahil ayoko na, oo ayoko na, Dahil malayo kana, Dahil masaya ka habang papalayo ka, Dahil kung kailan ako humahakbang, Upang ikaw ay malapitan, Ay sya mo namang paglisan, Kailan ba yung panahon na, Maisipan mong bumalik pa, Hindi na ko umaasa, Dahil alam ko masaya kana, Alam kong, yung panahon na kung kailan ako ay nandito, Ay nandoon ka naman, Yung kung kailan ako malapit na, Yun din yung oras na malayo kana, ...