Posts

Showing posts from 2019

Translate

Byahe

Image
Tara sakay tayo ng bus May mga topic tayong hihintuan, Pag uusapan at pagkekwentuhan, Walang hanggang kasiyahan at tawanan, Mga harutan na walang katapusan, Mga kulitan pero walang pikunan, Mga kwentong barbero kahit di katatawanan, Mga kwentong kamalian pero dulot ay kasiyahan, Hanggang sa walang katapusang kaligayahan, Magkasama sa byaheng sabay nating pupuntahan, Iisang destinasyon at patutunguhan, Byaheng sabay nating iaahon, Kahit pa ang isang gulong ay nasa malalim na balon, Pangarap na gusto nating makita sa hinaharap, Buong tiyaga, hirap at pagsisikap, Upang maabot natin ang iisang pangarap, Walang hanggang kulitan at pagmamahalan, Sabay nating pagsasaluhan, Umaga at gabi pa ang lilipas, Ngunit ang pag-ibig nati'y di kukupas, Sa byahe ng pag-ibig, Pagmamahal ang dapat manaig, Kahit nasaan man kayong panig ng daigdig, Tandaan nyong may nag iisang pag-ibig, Ang laging mananaig sa mga gabing malamig, Sa byaheng ito walang maliligaw, Sundin mo...

Buwan ng wika: Wikang Filipino Inang Wika

Image
Wikang Filipino Inang Wika Pagbigkas ng letra at pagbuo ng salita, Paglilimbag ng naiisin at pahayag sa kapawa, Wika na insturumento nating Filipino, Upang magkaisa at makipag kapwa tao, Ina nating salita sa dulo ng ating mga dila, Na kahit saan magpunta itoy ating dala-dala, Ito rin ang palatandaan na kung saan ang ating pinagmulan, Lahing Filipino, kahit ibat-ibang dayalekto, May iisang puso at pakikipag kapwa tao, Malayang binibigkas ang mga salitang nagmula sa wikang pambansa, May mga sangkap na letra at pangungusap, Kasaysayan ng wika na sa ninuno pa nagmula, Alibata ang unang alpabeto hanggang sa maging moderno, Sa ating panahaon abkd ang unang binabasa, Hanggang sa maging bihasa sa pagbigkas ng mga salita, Salita na napaka makapangyarihan na tumatatak sa puso at isipan, Kung minsan ay salita na ginagamit upang makasakit ng kapwa, Tayo ay natuto bumasa at sumulat, Wikang ginagamit mag silbing marka ng pagkakaisa, Sa ating kapwa maging sa ating ginagaw...

Unspoken 005: Ulirang Ama

Image
Sa sipag at tiyaga nya ikaw ay lumaki at nabuhay, Sa kanyang mga kamay, Di alintana ang hirap ng buhay, Dahil para sa kanila imporante ang iyong buhay, Di na mahalaga ang init ng araw, Basta may makain ka araw-araw, At lumaki ka ng malusog at maayos, Hirap na dinadanas nila ay di na mahalaga, Basta ang makita nya ang ngiti at saya ninyo na walang katumbas, Minsan na magkakasakit sila ngunit di nila iniinda, Sapagkat ang mahalaga magawa nya ang tungkulin nya bilang Ama, O kay bilis ng panahon kailan lang ay musmos ka pa lang at kanyang binubuhat, Ngayon ay malaki kana, hindi mo na naaalala ang lahat, Ngunit totoo ang lahat inalagaan at ginabayan ka hanggang matuto kang tumayo at lumakad mag isa, Ulirang Ama kung maituturing, Pagmamahal sa pamilya at walang katulad, Haligi ng tahanan pero pamilya ang kahinaan, Patuloy nya kayong ipaglalaban at iaahon sa kahirapan, Di ka niya papabayaan, Aalalayan at gagabayan kahit saan, Lubos nilang ipinapaalam, Na ang kanila...

Alay sa mahal nating Guro

Image
Ito ay isinulat para sa mga guro nating lahat, Pagbati ng magandang araw, Sa bawat maghapon na dadaan, Mga aklat at panulat ay handa na, Ituturo na ng ating guro ang kaalaman, Galing sa kangyang puso at isipan, Kanyang pinag aralan at pinaghirapan, Ay isasalin sa atin bilang gintong kaalaman, Pundasyon na mabubuo sa ating pagkabata, Maging sa ating pagtanda, Itinuro ng ating guro ay di biro, Magsulat at magbasa ay kanyang ituturo, Hanggang maging tuwid ang pangalang liko-liko, Magbibilang ng isa hanggang sampu, At hanggang makabuo ng sang'daan, Kaya tayoy makinig at pag-aralan, Ang masasayang kaalaman, Na galing sa guro sa kanyang isipan, Inaral upang ibahagi ang natutunan, Malayo man ang paaralan, Mula sa kanilang tahanan, Tinitiis nila tayong puntahan, Sa ating mga Eskwelahan, Sila yung mga guro na dapat saluduhan, Sapagkat ang kanilang pagmamahal at kasipagan, Ay hindi kayang pantayan, Ng ano mang laki ng kaperahan, Mahalaga par...

Unspoken 004: Sa nililigawan

Image
Ano ba ang dahilan kung bakit ka niya nagustuhan? Bago mo sungitan kilalanin mo muna, Alamin kung bakit ka niya gusto, Alamin kung anong tunay na hangarin, Bago ka magtiwala kilalanin mo siya, Sa dami ng tao sa mundo, Bakit kaba niya gusto? Sagutin mo ang tanong, Habang kinikilala siya, Alamin mo ang lahat ng tungkol sakanya, Mahirap magtiwala sa di mo kilala, Kaya kilalanin mo muna siya, Bago ibigay ang tiwala at matamis na oo, Sa dami ng tao sa mundo hindi mo na alam, Kung sino yung matino, sa manloloko, At kung nakilala mo na siya, Matatanggap mo ba kung ano siya, Nalaman mo ba kung anong pinagdaanan niya, Bago pa siya manligaw sa iyo? Wag mong kumbinsihin ang iyong sarili, Kung hindi mo kayang tanggapin yung tao, Matuto kang alamin muna kung anong hirap niya, Bago ka mang husga, Sagutin ang tanong na bakit? Sinuyo ka niya bakit? Gusto ka niya bakit? Mahal kana niya bakit? Kapag nasagot mo ang bakit ng hindi nagtatanong, Baka nga kilala mo na siya...

Unspoken 003 - Sa Manliligaw (Admirer)

Image
Sa una palang dapat alam mo na, Alamin mo muna kung anong pinagdaanan niya, Kung sino ba ang mga tao sa paligid niya, Kung paano mo siya mapapasaya, Kung paano iikot ang mundo niya kapag dumating kana, Alamin mo kung anong dapat, Alamin mo muna kung anong gusto niya, At kapag nalaman mo na, Baka sakaling maintindihan mo na, Hindi sa lahat ng oras ay kapiling mo siya, Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandiyan siya, Intindihin mo siya yun ang pinakamahalaga, Huwag kang mapapagod na suyuin siya, Kahit na sungitan kapa niya, Kung malungkot at umiiyak siya, Lapitan mo at punasan ang kinyang luha, Hindi madali ang kaniyang pinagdaanan, Pero hindi rin naman madali ang maghintay, Haba ng pasensya at lawak ng pang unawa, Yan ang susi sa pagmamahal na di siya magsasawa, Huwag mo siyang madaliin sumagot, Bigyan mo siya ng oras at panahon, Para pag isipan kung pwede na, Kung magiging okay ba, O magiging kaibigan ka lang ba. Ihanda mo ang sarili sa pagkakataon, Ku...

Bagong simula at pag-asa

Image
Ito na ang simula, Aking sasabihin ng patula, Mag umpisa sa mga bagay na masaya, Wag pilitin ngumiti, Gawin mo ng unti-unti, Langit at lupa ang saksi, Sa mga mangyayari, Ikaw lang din ang magbibigay kulay, Sa iyong mundong puno ng lumbay, Magsumikap at wag malumbay, Mga pangarap na sabay ninyong binuo, Hindi lang doon matatapos, Lumaban at dahan-dahan masdan, Mga ala-ala ng nagdaan, Na mahirap kalimutan, Magiging inspirasyon nalang, Upang tuparin ang pangarap ng nagdaan, Ipangako mo sa sariling hindi ka susuko, Magpakatatag at wag manghinayang, Buksan ang isipan at tanggapin nalang, Palipasin ang mga nagdaan, At ang panibago ay simulan, Dito kaba masaya? Dito kaba sasaya? Kuntento ka ba? Anoman ang tanong sa ating isipan, Dapat parin nating tandaan, Na ang pag-ibig lagi ang dahilan, Kung bakit kailangan nating lumaban, Kahit na tayo pa ay masaktan, Bumangon at gumawa ng paraan, Upang labanan ang sakit ng nakaraan, Mag umpisa sa masasayang ala-ala...

Ang pagtatapos..

Image
Ang isang tagumpay, Ay iyong inaalay, Sa iyong mga mahal sa buhay, Sila Nanay at Tatay, Sila yung iyong karamay, Nung nagsimula kang gumapang,tumayo at lumakad, Sila na ang nagsilbi mong gabay, Gabay na kahit ng matuto kang sumulat, Sila parin ang iyong karamay, Pangalan at apelyido, Ang lagi mong dala ng una kang umakyat sa entablado, Napakabilis ng panahon, Kailan lang humahanap kayo ng solusyon at problemado, Para matapos ang elementarya, High school, Senior High School, at kolehiyo, At makatuntong sa entablado, Ngayon wawakasan ko na ang ating kahirapan, Sa pamamagitan ng aking pinag aralan, Nangangakong iaahon sa kahirapan, Heto ko pagmasdan ninyo, Isang mabuting tao at titulado, Dahil sa pagtityaga ninyo, Naabot ko ang lahat ng ito, Ang maabot ang aking pangarap, Dahil sa inyong mga pagsisikap, Ngayon susuklian ko ng mahigpit na yakap, Pasasalamat sa inyo Tatay at Nanay, Dahil nakapagtapos ang inyong panganay, Mahal ko kayo Tay Nay, Kaya ang la...

Pagsubok o pagsuko?

Image
Nagsimula sa mga matatamis na salita, Lambingan ngunit hanggang kaibigan, Mga problema, sikreto at pangako, Na kayo lang ang may alam. Magkasama sa lahat ng bagay, Magkasundo at hindi nag aaway, Minsan may tampuhan, Saglit lang ay magtatawanan, Hindi kayang tiisin, Ano mang problema ay kakayanin, Magkasama sa hirap at ginhawa, Kaibigan ko nasaan kana, Hinanap kita, Ngunit nakita kong palayo kana, Nawala nalang ba talaga? Mga ala-ala nating dalawa. Yung mga panahong magkasama, Kaya pala umiiwas ka, Dahil aalis karin pala, Sa kabila ng pinagsamahan, Nawala ng parang bula, Mga masasayang ala-ala, Na minsan nagkaroon ng kabuluhan, Di inaasahan, tibok ng puso koy ikaw, Oo ikaw at laging ikaw, Hiling na kahit saglit, Lumingon ng ika'y muling matanaw, Kahit ngiti ay di na makita, Dahil ibinibigay mo na sakanya, Pansinin mo manlang sana, Yung ako na minsan ng minahal ka, Pansinin yung kaibigan, Na dinarasal na iyong balikan, Sariwain ang pinagsama...

Pagtanggap at pagbibigay

Image
May mga magandang bagay sa buhay, Na dapat inaalagaan at iniingatan, Mahirap makalimot lalo na at pumasok na sa isip na malikot, May mga bagay na masakit at makirot, Pero meron ding magandang naidulot, Isang araw na minsan ng dumilim, Yung tipong parang ikay nasa ilalim, Yung parang lihim na ikaw lang ang may alam, Ngunit may isang umaga parin na sasapit, Sa kabila ng sinapit na pait, Ibangon ang sarili, at tanggapin ang damdamin, Hindi ka nagkulang bagkus ikay nagbigay, Hindi mga bagay kundi ala-ala ng iyong buhay, Tanggapin ang nakaraan, At mabuhay sa kasalukuyan, Ng walang panghihinayang o anoman, Mapalad ka dahil sa pagbibigay, Pagbibigay halaga sa ibang nabubuhay, Mga salitang hindi inimbento, Kundi galing sa libreto, Na kung tawagin ay Bibliya, Tanggapin ang Ama bago buksan ang pahina, Mahalin at magmahal ay sakanya, Ibigay ang papuri sa Ama, Patunay na ikaw ay nabubuhay, Sa pag-ibig at buhay na kaniyang inalay, Linisin ang kasalanan sa pam...

Hanggang saan?

Image
Madami kang iniisip about sa salitang iyan tama? Ang dahilan kung bakit, Alamin kung bakit laging nakasingit, Ang salitang hanggang saan, Na pilit hinahanapan ng saktong kasagutan, Sila ba ay alam ang mga salitang iyan? Marahil kahit sila ay hindi alam, Kung ano talaga ang kahulugan niyan, Kung iisipin ikaw lang naman talaga, Ang tamang makakasagot nyan. Hindi sya o ninoman, Sa dami ng pinagdaanan,  Iyan ang linyahan pag medyo naguguluhan, Pero bakit nga ba nasasambit mo yan? Ginawa mo ba talaga ang tama? O ginawa mo yung tama pero ikaw lang ang may alam, Ang salitang tinatanong mo na, Hanggang saan ay hindi dapat tinatanong sa iba kung ikaw mismo ang dahilan kung bakit nabuo ang katanungan, Ipaubaya sa panahon at agos ng hangin, Ang tangi mong naiisip sa tuwing, Magigising at tatanungin ang sarili, Na handa kana bang sagutin, Yung tanong na hindi mo mabigyan kahulugan, Laging tatandaan na hindi kailanman, Masasagot a...

UNSPOKEN 002: BAKIT NGAYON PA?

Image
Ano ba yung ngayon pa sa buhay mo? Ano ba talaga yung bakit at ngayon pa? Isa sa pinakamahirap sagutin ang bakit. Pero sa ngayon isa lang ang naiisip kong sagot. Bakit ba walang ibang laman yung isip ko kundi ikaw? Bakit ba hindi ako makatulog hanggang hindi kita kausap? Bakit ba laging inaabangan ang pag tunog ng cellphone at paglabas ng pangalan mo? Ano ba talaga ang dahilan kung bakit? Isinilang ako na nag iisa, Lumaki at natutong bumasa ng abkd, Hanggang sa naisulat ng mag isa ang pangalan, Dumating yung oras na may nagustohan ka, Pero mabilisan lang pala, Puppy love ang sabi nila, Pero bakit ngayong alam mo na kung paano talaga, At kung gaano sya kahalaga sayo, Masasabi mo paba na puppy love pa ito? Bakit ulit ang tanong na paulit ulit, Dahil nasaktan ka kaya kaba ganyan? Kaya kaba galit dahil pakiramdam mo iniwan ka? Ano ba ang sagot sa matagal ng gumugulo sa isipan? Bakit noon ang dali ng lahat nung wala kapa, Bakit ngayon na may nabubuong pagm...

Unspoken 001

Image
MAGMAHAL, isang salita na mahirap bigyan ng eksaktong kahulugan, ngunit sa paulit ulit na pangyayari iyo parin sinusubukan. Ang unlaping MAG sa MAGmahal ay may dalawang uri ng salitang hindi mo makakalitmutan. Unang salitang nilalaman ng MAG sa MagMAHAL ay, Ang MAGHINTAY ng walang humpay at sumubaybay sa bawat kilos at galaw ng hanggang abot tanaw nalang ang kaya mong gawin habang minamasdan ang kanyang paglayo. Paglapit kahit saglit ang iyong hiling upang ipaliwanag ang bawat nararamdaman ngaunit hindi mo magawa hanggang sa mananatili kang MAGHINTAY sa wala. Pangalawa sa salitang MAG sa MagMAHAL ay, Ang MAGTIIS, ng kahit na gaano pa katagal ay hindi madali, haba ng pasensya ang dapat pinaiiral at huwag ang pansariling kagustuhan, pang unawa at konsiderasyon ang solusyon sa mahabang pagtitiis. Pero paano mo nga ba matitiis ang mga bagay-bagay na pinipilit nating isiksik sa mga utak natin kung gayun mang hindi naman talaga maaaring maging bagay. Kung sabagay walang hi...